E-POWERS KAY DIGONG

Rep-Winston-Castelo

INIREKOMENDA ni House Committee on Metro Manila Development Chairman at Quezon City Rep. Winston Castelo ang pagkakaloob ng emergency powers kay Pangulong Rodrigo Duterte para maresolba ang matinding pagbabaha sa Metro Manila.

Ang mungkahi ng kongresista ay bunsod na rin ng hindi agarang  pagtugon ng DPWH at MMDA sa P25 bilyon Metro Manila Flood Control Management Project (MMFCMP) na sinimulan na noong nakaraang taon.

Giit ni Castelo, binigyang linaw na noon pa ni Pangulong Duterte na hindi niya papayagan na mahirapan ang mga Filipino sa mga delayed project at mabagal na pag-aksyon ng pamahalaan sa mga proyekto.

Pinagsusumite rin ni Castelo ang DPWH at MMDA ng updated report sa anti-flood projects lalo na kung bakit natatagalan ang pagsisimula ng bidding para rito.

Aniya, kung agad na nasimulan ang mga proyekto ay hindi sana ganito kalala ang pagbaha sa Metro Manila.

Dahil aniya sa mga hindi pa nasimulan na flood projects ay nalagay sa peligro ang maraming buhay ng mga tao at apektado ang maraming kabuhayan.      CONDE BATAC

Comments are closed.