MULING hiniling sa Kamara ng isang kongresista na bigyan na ng emergency powers si Pangulong Rodrigo Duterte para masolusyunan ang krisis sa trapiko sa Metro Manila.
Ipinasasalang na agad ni Pampanga Rep. Juan Miguel Macapagal-Arroyo ang House Bill 114 o ang Metro Manila Traffic Crisis Act sa House Committee on Transportation.
Sa ilalim ng panukala, dalawang taon na iiral ang kapangyarihan para sa Presidente na maaari namang bawiin sa pamamagitan ng resolusyon ng Kongreso.
Nakasaad dito na pinapayagan ang Pangulo na pumasok sa negotiated contracts para sa an-umang road projects at pasilidad, pero kailangang masigurong hindi malulugi at mabilis na ma-kukumpleto ang konstruksiyon, rehabilitasyon, at pagkukumpuni upang hindi makasagabal.
May kapangyarihan din ang Punong Ehekutibo na ipatupad ang reorganisasyon sa Metropoli-tan Manila Development Author (MMDA) gayundin ang magbigay ng karagdagang suweldo at benepisyo sa mga tauhan ng ahensiya upang higit na maging epektibo ang mga ito sa pagtugon sa traffic crisis.
Ipinalalaan naman sa MMDA ang 10% ng kabuuang kita ng PAGCOR bilang subsidiya sa tanggapan sa loob ng 5 taon.
Bubuo naman ng oversight committee ang Kongreso upang tutukan ang implementasyon ng panukala, sakaling tuluyang maisabatas. CONDE BATAC
Comments are closed.