E POWERS KAY DU30 IISASANTABI NA NG KAMARA

IISASANTABI na ng Kamara ang pagbibigay ng emergency powers kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay House Speaker Alan Peter Cayetano, mismong si Pangulong Duterte na ang nagsabing hindi na kakailanganin ang emergency powers dahil hindi na magiging epektibo ito sapagkat nasa kalagitnaan na rin naman ang mga konstruksiyon sa transportasyon.

Matatandaan na sinabi rin ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo na hindi gugustuhin at hindi makikiusap ang Pangulo para lamang mabigyan ng emergency powers.

Sinabi ni Cayetano na sa halip na emergency powers ay i-e-exercise ng Kamara ang kanilang oversight powers upang mapabilis ang mga proyekto at matiyak na hindi magiging problema ang right of way.

Makikipag-ugnayan ang Mababang Kapulungan sa mga LGUs para matiyak na mabilis ang mga itinatayong impraestruktura at isusulong din nito ang pagkakaroon ng mass transportation. CONDE BATAC