INILUNSAD ng Diocese ng Novaliches ang programang ‘E-Pray for COVID-19 patients’, na magbibigay ng pray over at counselling sa mga pasyenteng dinapuan ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Ayon kay Fr. Luciano Felloni ng Diocese of Novaliches Communications Ministry at anchor priest ng church-run Radio Veritas, ang proyekto ay upang maabot at matulungan ang mga may sakit sa kabila ng umiiral na community quarantine.
Hindi rin naman kasi pinapayagan na lumabas ang mga pari na pumunta sa bahay ng may sakit at sa mga hospital upang magbigay ng sakramento.
“Maraming mga tao na may COVID na nangangailangan ng panalangin, siyempre hindi tayo pinapayagan sa loob ng mga hospital at ng isolation centers. So, naisip po namin na i-organize ang isang hotline kung saan pwede silang tumawag, pray over and a priest will call back to the patient either by phone or messenger,” ayon kay Felloni, parish priest ng Kristong Hari sa Commonwealth, Quezon City.
Sinabi ni Felloni na sa tulong ng E-Pray, ang mga pari ay maaring magbigay ng kanilang oras sa pakikinig sa mga may sakit at ipagdasal sila gamit ang modernong pamamaraan ng pakikipag-ugnayan.
Sa kasalukuyan ay may 35 mga pari at isang Obispo na ang nag-volunteer para sa proyekto.
“These are nationwide, one from New York and we have priest in Tarlac, Pampanga, in Negros, Bicol and in Metro Manila in different diocese and congregation. Nag-volunteer po itong mga pari kapag ang tao ay tumawag o nag-message sa messenger, iiwan ang pangalan ng pasyente, contact number and a priest will call ang message you and will arrange a call and will pray over the patient,” ayon pa sa pari.
Nabatid na ang mga nais na magpa-pray over ay maaaring magpadala ng mensahe sa messenger ng E-Pray DioNova Facebook page o magpadala ng text message sa 0995 041-7199 at ilagay ang pangalan, contact number at messenger ng pasyente.
Ang Novaliches sa Quezon City ay bahagi ng NCR plus bubble kung saan umiiral ang enhance community quarantine na layuning mapabagal ang bilang ng mga nahahawaan ng sakit. Ana Rosario Hernandez
825605 732850Hey! Good stuff, please keep us posted when you post something like that! 759996
646943 363203Soon after study some of the weblog articles for your web site now, and that i actually like your method of blogging. I bookmarked it to my bookmark internet site list and are checking back soon. Pls consider my internet website too and inform me what you consider. 770341
348234 77357This style is steller! You naturally know how to maintain a reader amused. Between your wit and your videos, I was almost moved to start my own weblog (effectively, almostHaHa!) Wonderful job. I truly enjoyed what you had to say, and far more than that, how you presented it. Too cool! 430456