Magsasagawa ng electronic raffle ng party-list groups ang Commission on Elections sa Oktubre 18 para matukoy ang pagkakasunud-sunod ng mga ito sa opisyal na balota para sa 2025 midterm elections.
Inihayag ni Comelec spokesperson John Rex Laudiangco, matatanggal na sa bagong polisiya ang nakagawiang alphabetical order.
Ila-livestream din ang naturang e-raffle sa kanilang official streaming platforms.
Base sa Comelec Resolution No. 11068, isasagawa ang raffle sa Oktubre 18 bandang alas-9 ng umaga sa tanggapan ng Comelec sa Intramuros, Manila.