E-RESETA APRUB SA FDA

E-RESETA

TATANGGAPIN na ng mga botika ang ipiprisinta ng publiko na soft copy ng prescriptions na ipinadala ng kanilang mga doktor online.

Nagpalabas ang Food and Drug Administration (FDA) ng isang circular na nag-aapruba sa paggamit ng electronic prescription o “e-reseta” sa gitna ng pinaiiral na enhanced community quarantine sa buong Luzon.

“This is to ensure that patients will still have access to their medication and at the same time further prevent the coronavirus disease 2019 (COVID-19) from spreading, especially since those who need prescriptions are those vulnerable to the disease,“ ayon sa FDA.

“Alam naman natin na hirap na sila ngayong makapunta sa doktor para magpa-check  up, kaya pinapayagan natin na ‘yung reseta nila electronically na lang ipadala sa kanila, at gamitin nila sa botika at makakabili pa rin sila ng kanilang maintenance na gamot,” wika ni FDA Director General Dr. Eric Domingo.

Bago pa man aprubahan ang FDA circular, may ilang botika na ang nagpapatupad nito upang tulungan ang mga tao sa kabila ng posibilidad ng pekeng prescriptions na kumakalat.

Tiniyak naman ni  Domingo sa publiko na sumailalim sa masusing pagsasanay ang mga pharmacist upang malaman kung ano ang tunay at hindi.

Comments are closed.