IPINAKITA sa ika-4 na 13 ang may 76 na entries ng kanilang tradisyunal na kakanin kamakailan.
Bawat entry ay nagpresenta ng 100 pieces ng native delicacies na buong pagmamalaki nilang niluto. Ang Karan-un Festival na isinagawa noong Linggo ay bahagi ng ika-71 founding anniversary ng Can-avid, isang bayan sa Eastern Samar na ang pinagkakakitaan ay pangingisda at pagsasaka.
“In the past four years, we have been holding this annual event to promote our native delicacies in support to culinary tourism,” sabi ni Can-avid town tourism officer Baste Pomarejos sa isang panayam.
Karamihan sa mga kakanin na iprinisenta ay ang kakaiba sa Eastern Samar tulad ng salukara, isang kakanin na katulad ng pancakes pero gawa sa giniling na bigas na may tuba.
Isa pang native delicacy na ipinakita sa festival ay ang sarungsong, isang delicacy na ginawa mula sa pinagsamang giniling na bigas, young coconut meat, at katas ng niyog na ibinalot sa dahon ng saging. Ito ay niluluto sa pamamagitan ng steaming.
Ang iba pang kakanin ay puto, kutsinta, chocolate moron, at suman. Ang moron at suman ay kakaibang rice-based pastries na roon lamang nakikita sa kanilang lugar.
Ang mga nanalo sa Karan-un Festival ay sina Elisa Gagala para sa Sarungsong category; Cherry Jocoya para sa salukara category; Ma Jovita Bal-donido para sa puto category; Meriam Decosta para sa moron category; at Fe Getalado para sa suman category.
Bawat nanalo ay tumanggap ng PHP3,000 at PHP1,000 para sa iba pang kasali bilang consolation prizes.
Ang Can-avid ay isang 4th class na bayan sa Eastern Samar, isang probinsiya na nakaharap sa Pacific Ocean, na pinaghati-hati sa 28 barangay na may populasyon na 21,000 as of 2015.
Ang bayan na may 167 kilometro northeast mula Tacloban City, ay dating bahagi ng bayan ng Dolores at nilikha sa magkahiwalay na bayan by virtue of Republic Act 264 noong 1948. PNA
Comments are closed.