INIHAYAG ng ride-hailing firm na Grab na maglulunsad sila ng electronic scooter service na tinawag na GrabWheels para sa mga maikling biyahe, nang magkaroon ng iba pang options ang mga commuter.
Ang service ang magpupuno ng “last mile” sa araw-araw na biyahe tulad ng gap sa pagitan ng transport stations hanggang office buildings o sa mga distansiya na puwedeng lakarin lamang, ayon kay GrabWheels business operations head Kunal Gupta.
Kailangan lamang na mag-scan ng users ng QR code sa electric scooter na makikita sa mga designated GrabWheels stations para ma-activate ito at babayaran sa pamamagitan ng GrabPay. Puwede rin isauli sa designated areas.
Ang scooters, na nakatakda para sa 3 kilometro hanggang 5 km distansiya ay puwedeng tumakbo ng hanggang 15 kph, sabi niya. Magkakaroon ng safety briefing at helmet na ibibigay sa mga gagamit.
“The purpose or the reason is for shorter ride, we wanted something more convenient,” ani Gupta. “With Southeast Asia’s hot and humid climate, it’s very hot, people want to finish short commute very fast.”
Patuloy ang Grab Philippines sa beta testing ng serbisyo sa Uptown Mall sa Taguig. Pormal itong ilulunsad ngayong taon.
Ang GrabWheels pilot ay tutulong para malaman ang applicable price point para sa serbisyo na sa kasalukuyan ang libre. Umaani na ito ng “good traction,” sabi ni Gupta.
Inanunsiyo rin ng Grab ang kanilang mga parating pang serbisyo ngayong taon kasama ang in-app video streaming at hotel bookings.
Comments are closed.