E-TRAVEL SYSTEM SA NAIA INILUNSAD

INILUNSAD ang e-Travel System sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1 nitong Miyerkules upang maging kumportable o ma-experience ng mga manlalakbay ang maginhawang pagbibiyahe.

Ito ay pamamagitan ng joint forces ng ibat-ibang ahensiya ng pamahalaan kabilang ang Department of Information and Communications Technology (DICT), Bureau of Customs (BOC), Bureau of Immigration (BI), Department of Migrant Workers (DMW) at Department of Tourism (DOT).

Layon nitong mapabuti ang serbisyo sa NAIA sa pamamagitan ng digital transformation, at paglalagay ng single QR code para ma-minimize ang waiting time, at mabawasan ang maraming checkpoint papasok sa departure area.

Matatandaan na magmula noong Disyembre 2022, tuloy-tuloy ang isinasagawang improvement ng MIAA sa tulong ng DICT, BOC at DMW para mailatag ang mga importanteng bagay, katulad ng Customs Baggage Declaration Form, Currency Declaration Form, at Overseas Employment Certificate.

Sa kasalukuyan, pinakikinabangan na ito ng mga stakeholder katulad ng pagbabawas ng travel process at airport congestion dulot ng inter-agency coordination, real-time data sharing at sa pag-monitor sa galaw ng mga pasahero.

At kasabay nito, nagtayo ri ang BOC ng ibat-ibang QR code at scanners sa NAIA customs arrival upang mabantayan ang mga pasaherong hindi nagde-declare ng taxable items at pagdadala ng unauthorized amount of foreign currencies ng walang pahintulot ng Bangko Sentral ng Pilipinas.
FROILAN MORALLOS