E-TRIKE DRIVER NA DATING MAY KASO DINALE

NEGROS OCCIDENTAL – NANAWAGAN ng hustisya ang kaanak ng electric tricycle driver sa Bacolod  City na pinatay ng mga suspek na sakay sa isang sports utility vehicle.

Kinilala ang biktima na si Johnny Lizo, 29, residente ng Purok Katilingban, Brgy 40, Bacolod City ay pinagbabaril sa Mabini Street, Barangay 30.

Sinabi ni Capt. Elmer Bonilla, station commander ng Police Station 6, bumili ng softdrinks ang biktima at nang pabalik na ito ay may sasakyan na huminto sa kanyang tabi, may bumaba na lalaki at bigla itong pinagbabaril.

Dahil sa maraming tama sa katawan, kaagad na namatay si Lizo.

Ayon sa mga residente sa lugar, anim na putok ang kanilang narinig.

Kaagad namang tumakas ang mga suspek pa­puntang hilagang bahagi ng Bacolod.

Ayon sa rekord ng Police Station 6, ang biktima ay nakulong noon dahil sa kasong robbery.

Hustisya naman ang panawagan ng pamilya Lizo sa nangyari sa biktima.

Ayon sa ina ni Johnny, sumuko noon sa Oplan Tokhang ang kanyang anak ngunit nagbago na ito at mayroon ng sariling pamilya. PILIPINO MIRROR REPORTORIAL TEAM

Comments are closed.