E-VEHICLES INDUSTRY PAUUNLARIN

Senador Win Gatchalian

ISUSULONG ni Senador  Win Gatchalian ang pagkakaroon ng ‘comprehensive framework’  para sa electric vehicles (EVs) upang masiguro ang pananatili nito sa industriya.

Ayon kay Gatcha­lian,  chairman ng Senate Committee on Energy,  sinisimulan na niyang ayusin ang mga detalye sa  EV na magiging hamon sa pagpapaunlad sa nasabing industriya.

Nauna rito, binigyang-diin ng senador sa kanyang unang pagdinig sa Senate Bill No. 174 o ang Electric Vehicles and Charging Stations Act na marapat na bigyang halaga ang policy at  regulatory framework  upang maipakilala at maiangat ang EV sa bansa.

Aniya, kailangan ng bansa ng isang sustainable EV ecosystem sa taong 2024 na ang halaga ay  maging katulad din ng traditional internal combustion engine (ICE) vehicles.

“We have to ensure that the industry is alive and vibrant, so that when 2024 comes in, it will be easier for our consumers to adopt and switch to e-vehicles. That’s precisely what we want, to have faster adoption of e-vehicles so that we’ll have cleaner environment; we can help reduce importation of oil, which is about 90 percent of imported fuel; and achieve energy security, hopefully in the near future,” giit ni Gatchalian.

Gayundin, sinabi ng senador na upang masustina ang EV ecosystem sa bansa, kailangang mai-promote ang EVs at charging stations.

Anang senador, dapat na isulong din ang posibilidad na pagkakaloob ng fiscal incentives para mapaunlad ang e-vehicle industry at matulungan itong makipagkumpe­tensiya ‘head-to-head’ sa ICE vehicles.

“The principle behind giving incentives is also to develop the industry as a whole. But in the short term, the industry is asking for fiscal incentives to allow them to import EVs and compete head-to-head with traditional ICE vehicles, because ICE vehicles are cheaper right now,” dagdag pa ng senador. VICKY CERVALES

Comments are closed.