INIUTOS ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pagpapalawig sa e-visa ng mga Chinese, Indian, South Korean at Japanese nationals bilang bahagi ng pagpapalakas ng turismo at ekonomiya ng bansa.
Naglabas ng direktiba ang Pangulo sa kasagsagan ng Private Sector Advisory Council (PSAC) Tourism Sector group meeting sa Malacañang.
Pinayuhan ng PSAC ang Pangulong Marcos na abutin ang economic objectives ng bansa lalo na ang key sectors.
Upang mapataas ang tourism markets ng China at India, inirekomemda ng PSAC na maging bahagi ang Indian nationals sa ilalim ng visa-upon-arrival program at pagpapalawig sa e-visa, na requiremenra sa Taiwanese citizens, sa Chinese, Indian, South Korean, at Japanese nationals.
Sinabi ni Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo na ang paglabas ng e-visa, ang Department of Foreign Affairs (DFA) ay nakikipagtulungan sa Department of Information and Communications Technology (DICT) para sa technical plans.
Para sa visa-upon- arrival, sinabi ni Manalo na ang DFA ay may programa na ia-apply sa Chinese nationals na darating sa bansa.
Ang iba namang citizen gaya ng Americans, Japanese, Australian, Canadians, at Europeans ay maaaring magkaroon ng 14-day visa sa kanilang arrival.
Sa panig naman ni DICT Secretary Ivan Uy, sinabi nito na ang kanyang departamento ay pinag-aaralan na ang ina’t ibang connectivity matters na kailangan para sa iba pang jurisdictionspara sa Philippine e-visa platform.
Sinasabing aabutin pa ng isang semestre para maka-develop ng kapabilidad dahil tinitingnan din ang konsolidasyon ng anti-fraud element at transaksyon sa system, ayon kay Uy.
Ginawa ng Pangulong Marcos ang rekomendasyon para tanggapin ng DICT ang alok ng India sa paggamit ng app sa visa.
Bukod sa e-Visa extension sa China, India, inirekomenda rin ng PSAC ang implementasyon Value-Added Tax (VAT) Refund Program for foreign tourists sa 2024; pag-alis sa One Health Pass (OHP), pagsasawalang bisa ng outdated advisories at loud-speaker announcements sa airports; gayundin ang automatic inclusion ng travel tax sa lahat ng airline tickets.EVELYN QUIROZ