MAGKATUWANG na pinangunahan kahapon nina Chief Justice Diosdado Peralta at PNP Chief Police General Camilo Pancratius Cascolan ang launching ng Enhanced e-Warrant System sa En Banc Session Hall, Supreme Court sa Maynila.
Ayon sa heneral, ang e-Warrant system ay naglalayun na mas mabilis at epektibong serbisyo ng law enforcers.
Modernisado ang pamamaraan ng automated service gayundin ang pagsisilbi ng warrants of arrest na inisyi ng korte.
Ikakasa naman ng Supreme Court, sa pamamagitan ng Office of the Court at PNP Directorate for Investigation and Detective Management ang webinar o online regional trainings para sa mga korte atv police stations para sa tamane execution ng enhanced e-warrants.
Una munang nagkortesiya si Cascolan sa Punong Mahistrado sa Dignitaries Lounge, Supreme Court New Building sa Ermita, Manila.
Sinamantala rin ni Cascolan ang pagtungo sa Korte Suprema at kinumusta ang mga pulis na na nagbibugay ng seguridad sa nasabing establisimyento. EUNICE C.
Comments are closed.