E-WASTE SHIPMENT NASABAT SA PORT AREA

E-waste

MAYNILA – NASABAT ng mga tauhan ng Bureau of Customs (BOC) sa Manila International Container Port (MICP), sa tulong ng mga taga-Environmental Protection and Compliance Division (EPCD) ng Department of Environment and Natural Resources Office ang misdeclared electronic shipment sa piyer.

Dumating sa  port area noong Nobyembre 6 lulan ng isang  40-footer container van, at naka-consign sa Vision Restore and Equipment Corporation .

Ang shipment na ito ay nagmula pa sa Korea,  at idineklara ng may-ari na mga TV parts, ngunit nang ipadaan sa 100 percents eksaminasyon  nadiskubre ng customs examiner na mga electronic waste ang tunay na laman ng container.

Agad naman na inis­yuhan ni MICP District Collector Guillermo Ped­ro A. Francia IV ng alert order na may numerong A/MICP/20191115-0247 kasabay na ipinag-utos nito sa Accounts Management Office (AMO) na ipawalang bisa ang accreditation ng importer at customs broker.

Kasabay rin na ipinag-utos ni Collector Francia sa consignee na ibalik ang nasabing shipment sa port of origin, ito ay batay sa ilalim ng Customs Memorandum Order No. 38-2019 in relation to the provisions of Section 14 of Republic Act No. 6969 and Arti-cle 8 of the Basel Convention on the Transboundary Movements of Hazardous Wastes and their Disposal, to which both the Philippines and South Korea are signatories. FROI MORALLOS

Comments are closed.