EAGLES AYAW PAAWAT, WARRIORS SINIBAK

Ateneo

DINUROG ng Ateneo de Manila University ang University of the East, 84-50,  upang mapanatiling walang dungis ang kanilang rekord sa UAAP men’s basketball tournament kahapon sa Ynares Center sa Antipolo.

Naghabol ang Blue Eagles ng apat na puntos sa pagsisimula ng laro subalit bumanat ng 17-2 run upang kunin ang trangko at hindi na lumingon pa tungo sa pagposte ng ika-12 sunod na panalo sa season.

Sa 12-0, ang Ateneo ay nakasisiguro na sa top seed sa Final 4, at dalawang laro na lamang mula sa elimination round sweep.

Bumagsak ang UE sa 3-9 at nasibak sa karera sa semifinals. Ito ang ika-10 sunod na season na hindi umabot sa semis ang Red Warriors.

“Very proud of the team. The first half was patchy,” wika ni Ateneo coach Tab Baldwin.

Nagbuhos si Isaac Go ng season-high 13 points, habang gumawa si Ange Kouame ng 11 points, 8 rebounds, at 3 blocks. Nag-ambag din si Thirdy Ravena ng 11 points, 7 boards at 2 assists.

Sa unang laro ay nagsagawa ng matinding rally ang University of the Philippines sa fourth quarter upang muling gapiin ang Adamson University, 81-77, at umangat sa solo second.

Iskor:

Unang laro:

Ateneo (84) – Go 13, Kouame 11, Ravena 11, Belangel 9, Wong 9, Ma. Nieto 6, Tio 6, Chiu 4, Credo 4, Mamuyac 3, Mi. Nieto 3, Maagdenberg 2, Mallillin 2, Andrade 1

UE (50) – Diakhite 15, Suerte 10, Abanto 6, Apacible 6, Camacho 3, Cruz 3, Antiporda 2, Pagsanjan 2, Tolentino 2, Manalang 1.

QS: 17-8, 40-25, 65-35, 84-50

Ikalawang laro:

UP (81) — Paras 21, Manzo 17, Ju. Gomez de Liano 15, Akhuetie 12, Rivero 7, Ja. Gomez de Liano 5, Tungcab 3, Webb 1, Mantilla.

ADU (77) — Chauca 19, Ahanmisi 13, Camacho 11, Lastimosa 9, Manlapaz 5, Douanga 4, Magbuhos 4, Fermin 3, Mojica 3, Sabandal 3, Yerro 3.

QS: 11-19, 36-37, 57-66, 81-77

Comments are closed.