EAGLES DIRETSO SA FINALS

ateneo blue EAGLES

Laro sa Nob. 6:

(Smart Araneta Coliseum)

4 p.m. – FEU vs UST (Men Step-ladder)

MULING nadominahan ng Ateneo ang University of the Philippines, 86-64, upang dumiretso sa Finals sa UAAP men’s basketball tournament kagabi sa Mall of Asia Arena.

‘Di tulad noong 2011 kung saan nabigo sila sa 14-0 sweep, nadagit ng Blue Eagles ang pambihirang tagumpay na maging ikatlong koponan sa loob ng 26 taon na nakumpleto ang perfect double-round elimination round campaign.

Una itong ginawa ng University of Santo Tomas noong 1993 tu­ngo sa pagiging outright champions, na sinundan ng University of the East noong 2007. ‘Di kagaya ng Growling Tigers, ang Red Warriors ay kinailangang dumaan sa Finals, subalit winalis ng UE  ang La Salle. Ang tagumpay na ito ay mawawalan ng saysay kapag hindi naisakatuparan  ng Eagles ang kanilang pangunahing layunin – ang makopo ang ikatlong sunod na kampeonato.

“Our job is far from done, and it’s going to get harder,” wika ni coach Tab Baldwin.

Tinapos ng Ateneo ang elimination round na angat ng limang laro sa second-best team sa liga.

“This team has a tremendous kind of heart,” ani Baldwin. “This is the hardest practicing team I’ve ever coached in 40 years.”

Sa kabila ng pagkatalo, ang ika-5 sa 14 na asignatura, hahawakan ng Fighting Maroons ang twice-to-beat advantage sa ikalawang bahagi ng step-ladder semifinals.

Makakasagupa ng UP  ang magwawagi sa knockout match sa pagitan ng  No. 3 Far Eastern University at ng No. 4 University of Santo Tomas sa Nob. 6 sa Smart Araneta Coliseum.

Walang plano ang Eagles na maliitin ang potential championship opponents.

“It’s tough, they are very strong teams,” wika ni Baldwin hinggil sa nalalapit na step-ladder semis. “We don’t have a break. For us, it’s business as usual.”

Nanguna si Ange Kouame para sa Ateneo na may 20 points, 12 rebounds, 5  blocks at 2 assists.

Iskor:

Ateneo (86) – Kouame 20, Belangel 14, Navarro 13, Ravena 11, Go 7, Ma. Nieto 7, Mamuyac 5, Tio 4, Maagdenberg 3, Mi. Nieto 2, Andrade 0, Chiu 0, Daves 0, Mallillin 0, Wong 0.

UP (64) – Paras 13, Akhuetie 11, Ja. Gomez de Liaño 11, Ju. Gomez de Liaño 9, Tungcab 5, Jaboneta 4, Rivero 4, Manzo 2, Murrell 2, Webb 2, Mantilla 1, Prado 0, Spencer 0.

QS: 20-21, 45-32, 65-44, 86-64

Comments are closed.