EAGLES GINULANTANG NG TAMS: BALI ANG PAKPAK

UAAP BASKETBALL

Mga laro sa Sabado:

(Mall of Asia Arena)

2 p.m. – UE vs NU (Men)

4 p.m. – AdU vs DLSU (Men)

NALUSUTAN ng Far Eastern University (FEU) ang masamang simula at kumana ng mga krusyal na baskets upang gulantangin ang defending champion Ateneo de Manila University, 63-60, sa UAAP Season 81 men’s basketball tournament kahapon sa Mall of Asia Arena.

Ang Ateneo at FEU ay may magkatulad na 5-2 record upang magsalo sa ikalawang puwesto.

Natakasan ang pagkawala ni suspended leading scorer Arvin Tolentino, humabol ang Tamaraws mula sa 15-point first half deficit at sumandal kay Hubert Cani sa crunchtime upang ipalasap sa Blue Eagles ang kanilang ikalawang talo sa season.

Naisalpak ni Cani ang isang tres upang bigyan ang FEU ng 61-56 kalamangan at pagkatapos ay tinulungan si Richard Escoto sa breakaway lay-up na  nagpreserba sa  five-point lead ng Tamaraws sa huling 29.1 segundo.

Maging si coach Olsen Racela ay hindi makapaniwala kung paano nakalusot ang FEU sa ­Adamson at Ateneo upang tapusin ang kanilang first round na may tatlong sunod na panalo.

“Well, ako rin hindi ko alam kung paano namin nagawa iyon,” ani  Racela. “If you noticed, kami yung pinaka-grabe ang schedule. We played five games in two weeks.”

Sa unang laro ay pinataob ng kulang sa taong University of Santo Tomas ang University of the Philippines, 86-72.

Mabilis na kumarera ang Tigers sa 8-0 simula at hindi na binitawan ang trangko kung saan umabante ito ng hanggang 30 points tungo sa kanilang ikatlong panalo sa season. Tinapos ng UST ang first round na may 3-4 kartada.

Muling nagbida para sa UST ang kanilang rookie sensation na si CJ Cansino, na nagbuhos ng 16 points, 10 rebounds, 7 assists at 2 steals sa panalo. Nagtala sina Renzo Subido (13 points), Ken Zambora (12) at Marvin Lee (11) ng double-digits, habang nag-dagdag si Zach Huang ng 9 points at 13 rebounds.

“Everybody came out to play,” wika ni UST head coach Aldin Ayo. “Almost all of my players, they played well, they executed the game plan, and they were more relaxed.”

Sa women’s action, nadominahan ng De La Salle ang mahigpit na katunggaling Ateneo, 82-56, habang pinataob ng Adamson University ang wala pang panalong University of the Philippines, 68-51, upang manatili sa  top four range.

Kumana si Khate Castillo ng 8-of-13 mula sa field upang magtapos na may 19 points at umabante ang Lady Archers ng hanggang 45 points upang tapusin ang kanilang first round stint na may tatlong sunod na panalo at 5-2 overall sa ikatlong puwesto.

Nalasap ng Lady Eagles ang ika-5 sunod na kabiguan matapos ang 2-0 simula, habang bumagsak ang Lady Maroons sa 0-7.

Iskor:

Unang laro:

UST (86)  – Cansino 16, Subido 13, Zamora 12, Lee 11, Huang 9, Caunan 8, Bonleon 7, Agustin 5, Mahinay 2, Bataller 2, Marcos 1, Cosejo 0.

UP (72) – Akhuetie 18, Gomez de Liaño Ja. 12, Dario 10, Gomez de Liaño Ju. 9, Desiderio 6, Murrell 6, Vito 3, Lim 2, Spen-cer 2, Tungcab 2, Gozum 2, Manzo 0, Jaboneta 0.

QS: 31-16, 53-29, 76-46, 86-72

Ikalawang laro:

FEU (63) – Cani 12, Parker 9, Iñigo 9, Comboy 8, Orizu 8, Bienes 8, Stockton 5, Escoto 4, Eboña 0, Tuffin 0, Gonzales 0, Bayquin 0.

Ateneo (60) – Kouame 16, Verano 8, Ravena 8, Nieto Mi. 8, Asistio 6, Mamuyac 6, Mendoza 4, Go 2, Wong 2, Tio 0, Navar-ro 0, Belangel 0, Nieto Ma. 0, Black 0.

QS: 11-19, 22-32, 39-39, 63-60

Comments are closed.