Mga laro sa Miyerkoles:
(Mall of Asia Arena)
10 a.m. – FEU-D vs UST (JHS)
12 noon – UE vs DLSZ (JHS)
4 p.m. – NU vs FEU (Men)
6 p.m. – DLSU vs UST (Men)
SUMANDAL ang Ateneo sa kanilang batang crew nina Kristian Porter at Jared Bahay upang pataubin ang National University, 70-68, sa UAAP men’s basketball tournament kahapon sa Smart Araneta Coliseum.
Naiganti ng Blue Eagles, naghahabol nang malaki sa karera para sa huling Final Four berth, ang kanilang 68-78 defeat sa Bulldogs noong nakaraang linggo.
Natutuwa si coach Tab Baldwin, na iginiya ang Katipunan-based side sa apat na titulo magmula nang mag-take over noong 2016, na ang kanyang players ay patuloy na lumalaban sa kabila ng mahirap na first round.
“It was enough to get us over the finish line. Very, very satisfying I know for the players that it’s been a tough first half of the season and they’ve stuck together you got to give them credit for that,” ani Baldwin.
Umangat ang Ateneo sa three-way tie sa NU at Far Eastern University sa 2-6.
Nagtala si Porter ng double-double na 14 points at 10 rebounds na sinamahan ng 2 steals at 2 blocks para sa Blue Eagles, habang nagdagdag si Bahay ng 12 points, 6 boards at 5 assists.
Nanguna si Jake Figueroa para sa Bulldogs na may 15 points at 10 boards.
Iskor:
Ateneo (70) – Porter 14, Bahay 12, Koon 10, Bongo 9, Tuano 8, Quitevis 5, Edu 5, Espinosa 4, Espina 2, Balogun 1, Reyes 0, Gamber 0.
NU (68) – Figueroa 15, Manansala 12, Enriquez 8, Jumamoy 8, Yu 6, Palacielo 5, Padrones 4, Santiago 4, Garcia 3, Francisco 3, Lim 0, Tulabut 0, Perciano 0, Parks 0, Dela Cruz 0.
Quarterscores: 15-13, 35-31, 50-45, 70-68