EAGLES KINALAWIT ANG FALCONS

ateneo blue EAGLES

Mga laro sa Sabado:

(Mall of Asia Arena)

2 p.m. – AdU vs NU (Men)

4 p.m. – UP vs UE (Men)

NALUSUTAN ng Ateneo ang matikas na pakikihamok ng Adamson, 80-74, upang manatiling walang dungis sa UAAP men’s basketball tournament kagabi sa Smart Ara­neta Coliseum.

Binigyan ng Falcons ang Blue Eagles ng magandang laban bago nalasap ang ika-4 na sunod na pagkatalo, ang pinakamahaba magmula nang mag-take over si coach Franz Pumaren noong 2016.

“Obviously, Adamson came in with a lot of fire. They played 40 minutes of basketball,” wika ni coach Tab Baldwin makaraang umangat ang Ateneo sa 9-0 at sa ika-19 na sunod na panalo magmula pa noong nakaraang taon.

Nagbuhos si Thirdy Ravena ng 23 points, 5 assists at 4 rebounds habang nag-ambag si Matt Nieto ng 11 points at 5 assists para sa Eagles.

Kuminang din sina Will Navarro at Matthew Daves para sa Ateneo, na nagtuwang ng 21 points.

Nauna rito, ang University of Santo Tomas ay naging unang koponan na sumampa sa century mark sa unang pagkakataon ngayong season sa 101-73 paglampaso sa University of the East upang umangat sa solo third sa 5-3, habang winalis ng National University ang Far Eastern University sa overtime, 85-79, para sa kanilang ikalawang panalo pa lamang.

“Ang daming nangyayari sa standings namin, dun sa chances namin sa Final Four kasi naghihilahaan, eh. You cannot discount any team dito sa season natin kasi all of the teams are competitive they have the materials they have the players. Nagkakatalunan lang minsan overtime, close games, eh. Bawal kumurap dito,” wika ni Growling Tigers coach Aldin Ayo.

Iskor:

Unang laro:

NU (85) – D. Ildefonso 27, Gaye 16, Clemente 15, Oczon 8, Gallego 5, Minerva 4, S. Ildefonso 3, Galinato 2, Malonzo 2, Rangel 2, Yu 1, Diputado 0, Joson 0, Mangayao 0, Tibayan 0.

FEU (79) – Eboña 15, Alforque 11, Comboy 11, Stockton 9, Tchuente 9, Torres 9, Tuffin 7, Gonzales 6, Bienes 2, Cani 0, Nunag 0.

QS: 15-13, 39-32, 62-47, 71-71, 85-79

Ikalawang laro:

UST (101) – Chabi Yo 22, Huang 22, Concepcion 10, Paraiso 10, Nonoy 9, Abando 8, Cansino 7, Subido 6, Ando 2, Bataller 2, Cuajao 2, Bordeos 1, Asuncion 0, Caunan 0, Cosejo 0, Pangilinan 0.

UE (73) – Diahkite 24, Tolentino 11, Manalang 10, Suerte 10, Conner 7, Antiporda 3, Apacible 2, Cruz 2, Lorenzana 2, Mendoza 2, Abanto 0, Camacho 0, Natividad 0, Pagsanjan 0.

QS: 26-18, 55-29, 74-54, 101-73

Ikatlong laro:

Ateneo (80) – Ravena 23, Navarro 11, Nieto Ma. 11, Daves 10, Go 7, Kouame 7, Nieto Mi. 7, Mamuyac 3, Wong 1, Belangel 0, Maagdenberg 0, Tio 0.

AdU (74) – Ahanmisi 17, Chauca 17, Douanga 13, Yerro 12, Camacho 6, Manlapaz 5, Lastimosa 4, Fermin 0, Flowers 0, Magbuhos 0, Mojica 0.

QS: 22-18, 34-37, 63-50, 80-74

Comments are closed.