EAGLES LUMAPIT SA 1ST ROUND SWEEP

Mga laro sa Sabado:

(Mall of Asia Arena)

2 p.m. – DLSU vs UST (Men)

4 p.m. – FEU vs DLSU (Men)

NAGTALA ang defending two-time champion Ateneo at University of the Philippines, naghahanda para sa pinakaaabangang rematch ng last year’s Finals ngayong weekend, ng contrasting wins habang naiposte ng National University ang kanilang unang panalo sa UAAP men’s basketball tournament kahapon sa Mall of Asia Arena.

Sumandal ang Blue Eagles sa malaking second half surge upang makumpleto ang 85-68 rout sa UE para sa kanilang ika-6 na sunod na panalo, habang isinagawa ni Juan Gomez de Liaño ang malaking interception at isang  three-pointer sa huling 7.8 segundo nang muling madominahan ng Fighting Maroons ang La Salle, 72-71.

Naitarak ng Bulldogs ang kanilang unang panalo nang tambakan ang Far Eastern University, 61-39.

Umangat ang UP sa 5-1 papasok sa kanilang showdown sa Ateneo, na sisikaping dagitin ang first round sweep sa Linggo sa harap ng inaasahang SRO crowd sa Smart Araneta Coliseum.

Tumipa si Kobe Paras ng 21 points habang nagdagdag si reigning MVP Bright Akhuetie ng 17 points at 14 rebounds para sa UP,  na nanalo ng apat na sunod, kabilang ang tatlo na may maliit lamang sila na kalamangan.

Iskor:

Unang laro:

NU (61) – D. Ildefonso 20, Oczon 9, S. Ildefonso 8, Gaye 7, Clemente 6, Gallego 3, Joson 3, Yu 3, Mosqueda 2, Diputado 0, Galinato 0, Malonzo 0, Mangayao 0, Minerva 0, Rangel 0, Tibayan 0.

FEU (39) – Eboña 17, Stockton 7, Nunag 5, Gonzales 4, Bienes 2, Comboy 2, Tempra 2, Alforque 0, Bayquin 0, Cani 0, Celzo 0, Mantua 0, Tchuente 0, Torres 0, Tuffin 0.

QS: 14-6, 37-13, 47-24, 61-39

Ikalawang laro:

Ateneo (85) – Kouame 16, Ravena 15, Wong 11, Navarro 9, Belangel 6, Go 6, Mamuyac 6, Tio 5, Maagdenberg 4, Chiu 3, Ma. Nieto 2, Mi. Nieto 2, Andrade 0, Credo 0, Daves 0, Mallillin 0.

UE (68) – Suerte 15, Conner 9, Tolentino 9, Diakhite 8, Abanto 6, Cruz 6, Camacho 5, Mendoza 5, Pagsanjan 5, Antiporda 0, Beltran 0.

QS: 11-15, 34-35, 69-50, 85-68

Ikatlong laro:

UP (72) – Paras 21, Akhuetie 17, Gomez de Liaño Ju. 10, Rivero 9, Manzo 5, Tungcab 5, Webb 3, Jaboneta 2, Gob 0, Gomez de Liaño Ja. 0, Murrell 0, Prado 0, Spencer 0.

DLSU (71) – Caracut 16, Melecio 16, Baltazar 13, Bartlett 8, Malonzo 7, Manuel 5, Serrano 4, Lojera 2, Bates 0, Cu 0.

QS: 14-18, 29-36, 52-59, 72-71

Comments are closed.