Mga laro sa Miyerkoles:
(Smart Araneta Coliseum)
2 p.m. – UST vs FEU (Men)
4 p.m. – UP vs Ateneo (Men)
GINULANTANG ng Adamson University ang paboritong Ateneo de Manila University, 74-70, upang mainit na simulan ang kanilang kampanya sa UAAP Season 81 men’s basketball tournament kahapon sa Mall of Asia Arena.
Nauna rito ay nadominahan sa wakas ng Far Eastern University ang De La Salle matapos ang dalawang seasons ng kabiguan sa pamamagitan ng 68-61 panalo upang samahan ang opening weekend winners University of the Philippines, National University at Adamson University sa maagang pangunguna.
Isang fastbreak lay-up ni Aaron Black ang nagbigay sa Ateneo ng pinakamalaki nitong kalamangan sa first half, 29-18, bago nanalasa ang Adamson sa huling 5:32 ng laro, tampok ang buzzer-beater ni Jerrick Ahanmisi sa midcourt upang kunin ang 40-39 bentahe sa break.
Umabante ang Falcons sa 59-51 sa kaagahan ng fourth bago rumesbak ang Eagles sa likod ni Matt Nieto upang kunin ang 67-66 kalamangan, may 4:29 sa orasan.
Ang panalo ay napakatamis para kay Falcons mentor Franz Pumaren dahil naitala ito ng five-times UAAP champion laban sa ti-tle favorite na sumabak at nagtapos sa ika-4 na puwesto sa Jones Cup.
“I love coaching against Tab Baldwin. In a good way, he keeps on pushing me,” wika ni Pumaren.
Tumapos si Ahanmisi na may 23 points at 4 rebounds, habang nagdagdag si Vince Magbuhos ng 10 points at 10 boards para sa Adamson University.
Nanguna naman si Arvin Tolentino para sa Tamaraws na may 13 points at 4 rebounds, habang tumipa si Kenneth Tuffin ng 11 points at 4 boards, at nag-ambag si Axel Iñigo ng 10 points, 6 rebounds at 3 as-sists.
Comments are closed.