EAGLES UNGOS SA TIGERS

Ateneo eagles

NALUSUTAN ng ­Ateneo ang matikas na pakikihamok ng University of Santo Tomas, 71-70, upang manatiling walang talo at kunin ang solong liderato sa UAAP men’s basketball tournament kahapon sa Smart Araneta Coliseum.

Naisalpak ni Ange Kouame ang go-ahead tip, may 3:40 ang nalalabi, na nagbigay sa Blue Eagles ng 68-67 bentahe  bago napigilan ang jumper ni Soulemane Chabi Yo sa huling minuto, at sinelyuhan nina Thirdy Ravena at Matt Nieto ang panalo sa charity stripe sa mga hu­ling segundo.

Tumapos si Ivorian Kouame na may 11 points, 10 boards at 2 blocks, habang tumabo si Ravena ng 17 points, 11 ay sa second half, 10 rebounds, 2  assists, at 2 steals.

“We understood that game was going to be a really tough game. I feel fortunate we won the game. That’s the kind of game that you can credit the team as much as you want, talk about character, and all of that, but I think that every applaud you give your team, you give the other. That could have gone either way,” wika ni coach Tab Baldwin.

Nag-ambag si Gian Mamuyac ng 10 points at 4 rebounds, habang tumipa si  Will Navarro ng 8 points, 5 rebounds, at 5 assists para sa Ateneo na umangat sa 3-0 kartada.

Nanguna si Chabi Yo para sa Growling Tigers na may 25 points, 13 rebounds, 2 assists, at 2 blocks, habang nagdagdag sina Rhenz Abando, Mark Nonoy at Renzo Subido ng tig-9 points.

Bumagsak ang UST sa 2-0 marka.

Sa iba pang laro, nakahulagpos sa De La Salle University ang 14-point lead sa fourth quarter su­balit nakakuha ng clutch shot mula kay Kurt Lojera upang malusutan ang National University, 83-82, habang pinangunahan ni Jerrick Ahanmisi ang Adamson University sa 91-80 pagbasura sa University of the East.

Iskor:

Unang laro:

Ateneo (71)  – Ravena 17, Kouame 11, Mamuyac 10, Navarro 8, Belangel 6, Maagdenberg 6, Ma. Nieto 5, Go 3, Wong 3, Mi. Nieto 2, Andrade 0, Daves 0, Tio 0.

UST (70) – Chabi Yo 25, Abando 9, Nonoy 9, Subido 9, Huang 6, Cansino 4, Concepcion 4, Ando 2, Paraiso 2, Bataller 0.

QS: 23-13, 33-37, 53-56, 71-70

Ikalawang laro:

La Salle (83) – Baltazar 23, Malonzo 14, Melecio 10, Caracut 7, Lojera 6, Meeker 6, Serrano 6, Bates 4, Pado 4, Cagulangan 3, Cu 0, Hill 0, Manuel 0.

NU (82) – S. Ildefonso 26, Clemente 19, Gallego 12, Gaye 11, D. Ildefonso 8, Joson 2, Minerva 2, Mosqueda 2, Diputado 0, Galinato 0, Mangayao 0, Oczon 0, Tibayan 0, Yu 0.

QS: 22-12, 42-32, 67-57, 83-82

Ikatlong laro:

Adamson (91) – Ahanmisi 28, Lastimosa 16, Chauca 13, Douanga 11, Fermin 5, Bernardo 4, Camacho 4, Magbuhos 4, Orquez 4, Yerro 2, Flowers 0, Manlapaz 0, Mojica 0, Zaldivar 0.

UE (80) – Suerte 20, Mendoza 17, Apacible 15, Conner 13, Manalang 5, Tolentino 4, Abanto 3, Antiporda 3, Beltran 0, Cruz 0, Sawat 0.

QS: 19-21, 44-38, 66-57, 91-80.

Comments are closed.