Mga laro sa Miyerkoles:
(Mall of Asia Arena)
10:30 a.m. – NU vs FEU (Men
12:30 p.m. – UE vs Ateneo (Men)
4 p.m. – UP vs DLSU (Men)
ANTIPOLO – Ipinalasap ng defending champion Ateneo sa National University ang pinakamasaklap na pagkatalo nito sa season, habang balik sa porma ang University of Santo Tomas sa UAAP men’s basketball tournament kahapon sa Ynares Center dito.
Halos hindi pinagpawisan ang Blue Eagles sa 71-50 pagbasura sa inaalat na Bulldogs upang mapalawig ang kanilang unbeaten streak sa limang laro.
Pinangunahan ni Benin’s Soulemane Chabi Yo ang atake ng Growling Tigers sa second half upang pataubin ang Far Eastern University, 82-74, at manatili sa ikatlong puwesto na may 4-2 kartada.
Nagbuhos si Ivorian Angelo Kouame ng 15 points, 13 rebounds, 7 blocks, 3 assists at 2 steals, habang nag-ambag si Gian Mamuyac ng 13 markers para sa Ateneo.
Nagpahayag ng kasiyahan si coach Tab Baldwin sa ipinakita ng kanyang tropa.
“Again we’re happy to get that win under our belts. Our coaching staff, I should say my assistant coaches, know coach Jamike (Jarin) so well and you know, they kept warning me, ‘He’s gonna come out with something different, something unusual,’ and he did,” wika ni Baldwin.
Makaraang iposte ang commanding 41-24 lead sa break, tinangka ng NU na pabagalin ang laro ng Ateneo, subalit sa kabila na nalimitahan ang katunggali sa siyam na puntos sa third period ay wala itong nagawa.
“The game slowed down a little bit in the third quarter for us and that’s not something we want. We want that tempo but we want to generate it through pressure. And we don’t like it when the game slows down too much,” ani Baldwin.
“But I think even in slow game, it helps our offense a little bit. So we want to be able to handle every situation. We train to do that. Coach Jamike and his team presented some problems today and credit to my guys I think they did a good job figuring it out,” dagdag pa niya.
Tumipa si Chabi Yo ng 21 points at 18 rebounds.
Napalawig ng Eagles ang kanilang winning streak sa 15 magmula pa noong nakaraang season. Hindi pa natatalo ang Ateneo sa UAAP game sa loob ng halos isang taon matapos malasap ang 60-63 pagkatalo sa FEU noong nakaraang Oktubre.
Iskor:
Unang laro:
Ateneo (71) – Kouame 15, Mamuyac 13, Ravena 8, Wong 6, Belangel 5, Nieto Ma. 5, Nieto Mi. 5, Andrade 3, Tio 3, Chiu 2, Credo 2, Daves 2, Maagdenberg 2, Go 0, Mallillin 0, Navarro 0.
NU (50) – Ildefonso D. 10, Ildefonso S. 9, Gaye 8, Clemente 5, Galinato 5, Yu 4, Minerva 3, Joson 2, Mangayao 2, Mosqueda 2, Diputado 0, Gallego 0, Malonzo 0, Oczon 0, Rangel 0, Tibayan 0.
QS: 20-11, 41-24, 50-37, 71-50
Ikalawang laro:
UST (82) – Chabi Yo 21, Concepcion 12, Nonoy 11, Subido 11, Abando 10, Bataller 8, Paraiso 3, Ando 2, Cansino 2, Huang 2, Cuajao 0.
FEU (74) – Gonzales 16, Torres 14, Eboña 11, Comboy 10, Bienes 6, Tuffin 6, Alforque 4, Stockton4, Nunag 3, Cani 0, Celzo 0, Tchuente 0.
QS: 14-24, 34-39, 64-55, 82-74
Comments are closed.