Mga laro ngayon:
(Mall of Asia Arena)
2 p.m. – NU vs DLSU (Men)
4 p.m. – FEU vs UP (Men)
MULING nadominahan ng defending champion Ateneo ang University of Santo Tomas, 66-52, upang mapalawig ang kanilang perfect run sa walong laro sa UAAP men’s basketball tournament kagabi sa Mall of Asia Arena.
Mainit na sinimulan ng Blue Eagles ang kanilang second round campaign kung saan malimitahan nila ang Growling Tigers sa season-low 17 points.
Sa unang laro, kuminang sina Alex Diakhite at Rey Suerte nang gulantangin ng University of the East ang Adamson, 80-74, para sa kanilang ikatlong panalo sa season.
Nalimitahan ng depensa ng Ateneo ang UST sa season low sa points, field shooting, assists at points in the paint.
Nagbuhos si Thirdy Ravena ng 17 points upang pantayan ang kanyang season-high, 9 rebounds at 2 assists, habang na napantayan din ni SJ Belangel ang kanyang personal best sa torneo na may 11 points at kumalawit ng apat na boards para sa Eagles.
Tanging si Mark Nonoy ang nagningning para sa Tigers na may 18 points, habang nalimitahan si first round MVP leader Soulamane Chabi Yo sa 6 points kung saan ito ang unang pagkakataon sa season na hindi siya nagtala ng double-double.
Nalasap ang back-to-back double-digit losses sa La Salle at Ateneo, ang third-running UST ay bumagsak sa 4-4.
Iskor:
Unang laro:
UE (80) – Diakhite 29, Suerte 26, Conner 7, Manalang 5, Abanto 3, Antiporda 3, Lorenzana 3, Apacible 2, Tolentino 2, Cruz 0, Pagsanjan 0.
AdU (74) – Douanga 16, Lastimosa 16, Ahanmisi 11, Camacho 11, Chauca 9, Bernardo 3, Fermin 2, Manlapaz 2, Mojica 2, Yerro 2, Flowers 0, Magbuhos 0, Sabandal 0.
QS: 18-22, 31-36, 59-56, 80-74
Ikalawang laro:
Ateneo (66) — Ravena 17, Belangel 11, Go 8, Ma. Nieto 6, Wong 6, Tio 5, Mi. Nieto 4, Navarro 3, Daves 2, Kouame 2, Mamuyac 2, Maagdenberg 0.
UST (52) — Nonoy 18, Abando 7, Bataller 6, Chabi Yo 6, Concepcion 6, Subido 5, Ando 2, Cansino 2, Bordeos 0, Huang 0, Paraiso 0.
QS: 10-8, 26-17, 42-35, 66-52
Comments are closed.