Laro sa Lunes:
(Filoil Flying V Centre)
3 p.m. – NU vs Ateneo (Jrs Finals)
NAGPASABOG si Terrence Fortea ng 30 points upang pangunahan ang National University sa pagsikwat ng kanilang ika-8 sunod na UAAP juniors basketball championship appearance sa pamamagitan ng 94-72 pagbasura sa Adamson University kahapon sa FilOil Flying V Centre.
Nag-init si Fortea sa first half na may 22 points na naitarak sa limang triples at kinuha ng Bullpups ang 54-35 bentahe sa break at hindi na lumingon pa.
“He really played well. Day in and day out, ganoon naman talaga siya. He will try his best,” wika ni NU coach Goldwin Monteverde patungkol kay Fortea, na nagtala ng 7-of-14 mula sa three-point area.
Makakasagupa ng NU ang Ateneo sa best-of-three series sa Lunes sa San Juan arena. Ang Bullpups ay 2-0 laban sa Eaglets ngayong season.
Naapula ng Ateneo, nagtatangka sa kanilang ikalawang sunod na korona, ang mainit na paghahabol ng Far Eastern University-Diliman upang maitakas ang 90-82 panalo sa isa pang semis pairing.
Naiposte ni Kai Sotto ang 19 sa kanyang 22 points sa second half, at humablot ng 8 rebounds habang nagdagdag si rookie Ian Espinosa ng 19 points, 4 assists, 3 boards at 2 steals para sa Ateneo.
Iskor:
Unang laro:
NU (94) – Fortea 30, Gonzales 13, Abadiano 11, Quiambao 8, Felicilda 7, Torres 6, Tamayo 4, Dayrit 3, Alarcon 3, Mailim 3, Enriquez 2, Vinoya 2, Buensalida 1, Javillonar 1, Abiera 0, Songcuya 0.
AdU (72) – Hanapi 19, Manlapaz 12, Guarino 11, An. Doria 8, Ad. Doria 7, Engbino 7, Sabandal 7, Capulong 1, Prodigo 0, Barcelona 0, Dominguez 0.
QS: 30-18, 54-35, 76-56, 94-72
Ikalawang laro:
Ateneo (90) – Sotto 22, Espinosa 19, Jaymalin 17, Chiu 11, David 7, Fetalvero 6, Padrigao 4, Diaz 4, De Ayre 0, Coo 0, Lechoncito 0.
FEU (82) – Tolentino 19, Abarrientos 17, Torres 14, Alforque 12, J. Bautista 7, Sajonia 6, Barasi 4, Anonuevo 3, Ona 0, Armendez 0.
QS: 18-18, 39-29, 66-52, 90-82
Comments are closed.