NAGMARTSA si No. 10 seed Alex Eala sa quarterfinals ng US Open Juniors sa ikalawang sunod na taon, kasunod ng kanyang 6-2, 7-6(1) panalo kontra No. 8 seed Taylah Preston ng Australia.
Ang kanilang third-round match ay idinaos noong Miyerkoles sa Court 9 ng USTA Billie Jean King National Tennis Center sa Flushing Meadows, New York City.
Si Eala, 17, ang unang nag-serve para sa 3-1 bentahe makaraang maisalba ang dalawang break point opportunities.
Kumarera siya sa 5-1 nang baliin ang serve mula sa double fault.
Patungo sa third round, ginapi ni Eala si Annabelle Xu ng Canada sa first round, 6-3, 6-0, at si Nina Vargova ng Slovakia sa second round, 6-2, 6-3.
Sa quarterfinals ay makakaharap niya ang kanyanf 15-year-old partner sa Junior Girls’ Doubles event, si No. 14 seed Mirra Andreeva ng Russia.
Sinimulan nina Eala at Andreeva ang kanilang doubles campaign noong Miyerkoles ng gabi bilang No. 4 seeds, kung saan pinataob nila sina 14-year-old American wildcards Shannon Lam at Iva Jovic sa first round, 6-2, 6-2.
Susunod na makakalaban ng Filipino-Russian tandem ang German duo nina Carolina Kuhl at Ella Seidel.