NAKOPO ni Alex Eala ang kanyang ikalawang kampeonato sa season at ang ika-4 sa kabuuan sa ITF Women’s World Tennis Tour sa W25 Roehampton sa Great Britain nitong Linggo.
Pinataob ng 18-year-old sixth seed si WTA World No. 166 at No. 2 seed Arina Rodionova ng Australia, 6-2, 6-3, sa National Tennis Centre.
Ang korona ay naidagdag ng 250th-ranked na si Eala sa listahan ng kanyang professional titles mula sa 2023 W25 Yecla in Spain, 2022 W25 Chiang Rai sa Thailand, ar 2021 W15 Manacor sa Spanish island ng Mallorca.
Patungo sa finals ay tinalo ni Eala ang tatlong Australians bago sinibak si Dutch third seed at 208th-ranked Arianne Hartono sa semifinals, 7-6(4), 2-6, 6-1.
Pinatalsik ng Rafa Nadal Academy player sina 201st-ranked top seed Priscilla Hon sa quarterfinals (6-2, 6-4), World No. 289 Destanee Aiava sa second round (3-6, 7-5, 6-3), at World No. 781 qualifier Gabriella Da Silva Fick sa first round (6-3, 6-4).