BIGO si Filipino tennis ace Alex Eala kay French opponent Jessika Ponchet, 2-6, 6-4, 6-2, sa semifinals ng ITF W100 tournament noong Sabado sa Vitoria-Gasteiz, Spain.
Bago natalo sa semis, si Eala ay namayani kina local bet Lucia Cortez Llorca sa quarterfinals, at Tianmi Mi ng China at Romanian Jaqueline Cristian sa naunang rounds ng torneo.
Makakaharap ni Ponchet si Daria Snigur ng Ukraine sa finals.
Makaraang makopo ang kanyang unang pro title ngayong taon sa W25 Yecla, si Eala ay sumampa sa quarters sa W25 Madrid kasunod ng first round exit sa W25+H Tauste-Zaragoza, isa pang quarterfinal finish sa W40 Palma del Rio, at first round exit sa W25 Corroios-Seixal.