LUMAPIT si Filipina tennis ace Alex Eala sa main draw ng Wimbledon kasunod ng panalo sa second round ng qualifying draw ng Grand Slam tournament noong Miyerkoles (London time).
Dinispatsa ni world no. 162 Eala si world no. 110 Tamara Zidansek ng Slovenia, 1-6, 7(11)-6(9), 6-3, sa second round.
Ang panalo ay makaraang simulan ng 19-year old Filipina ang kanyang Wimbledon qualifying campaign sa pagbasura kay Jessica Ponchet ng France.
Makakaharap ni Eala si world no. 123 Lulu Sun ng New Zealand sa susunod na round.