BALIK si Filipina tennis ace Alex Eala sa kanyang career-high top 189 ranking sa Women’s Tennis Association (WTA) women’s singles.
Umakyat si Eala mula sa no. 190 makaraang kunin ang silver medal sa Kyotec Open sa Petange, Luxembourg noong nakaraang buwan.
Pumangalawa lamang siya kay 97th ranked Oceane Dodin ng France.
Sinelyuhan nito ang mabungang 2023 para kay Eala, na nagwagi ng dalawang singles’ tennis titles ngayong taon.
Nakopo ni Eala ang kanyang unang singles crown ngayong taon noong nakaraang June sa Yecla, Spain at nasikwat ang ikalawang titulo sa Roehampton, United Kingdom noong August.
Muntik na rin niyang dominahin ang dalawang iba pang ITF tournaments sa Aldershot, United Kingdom at Luxembourg.
Winakasan ni Eala ang medal drought ng Pilipinas sa Asian Games sa pagwawagi ng dalawang bronzes sa women’s singles at mixed doubles sa Hangzhou.
Ang huling pagkakataon na nagwagi ang bansa ng medalya sa Asiad ay noong 2006 nang kunin ni Cecil Mamiit ang dalawang bronze medals.