EALA NAGKASYA SA BRONZE

Alex Eala

HANGZHOU, China – Nalasap ni Alex Eala ang 1-6, 7-6 (7-5), 3-6 kabiguan kay Chinese top seed Zheng Qinwen subalit matagumpay na winakasan ang 17-year medal drought ng bansa sa tennis nitong Huwebes sa Olympic Tennis Centre dito.

Mas maliit ng ilang pulgada sa Chinese ace, ang 5-foot-8 na si Eala ay nakabawi mula sa mabagal na simula sa dominanteng performance sa second set.

Gayunman, dahil sa pagod matapos sumalang sa dalawang laro noong Miyerkoles — singles sa umaga at mixed doubles sa gabi — ay kinapos ang Philippine sensation.

Sinimulan ni Eala, nagwagi ng US Open Juniors singles title noong 2022, ang kanyang maiden Asiad run sa 6-0, 6-0 pagsibak kay Pakistani Sarah Ibrahim Khan sa second round matapos makakuha ng bye sa first round.

Tinalo niya sina Indian 13th seed Rutuja Bhosale sa third round, 7-6(5), 6-2, at Japanese 11th seed Kyoka Okamura sa quarterfinals, 0-6, 7-5, 6-0. Ang huling pagkakataon na nanalo ang bansa ng medalya sa continental showpiece ay 17 taon na ang nakalilipas — mula kina Cecil Mamiit at Eric Taino na nagwagi ng bronze medals sa Doha edition.