EALA NO. 2 NA SA ITF WORLD JUNIOR GIRLS RANKINGS

Alex Eala

UMAKYAT si Alex Eala sa number two sa world junior girls rankings na ipinalabas ng  International Tennis Federation (ITF) noong Lunes.

Ang Filipina tennis ace ay umangat mula sa number four kasunod ng breakthrough performance sa 2020 French Open. Nabigo siya kay eventual champion Elsa Jacquemot ng France sa semifinals.

Ang Grand Slam win ni Jacquemot ay nagdala sa kanya sa number one mula sa number six, kung saan pinatalsik niya si Victoria Jimenez Kasinteva ng Andorra, na nahulog sa number three matapos ang second round exit sa French Open.

Ang 15-year-old na si Eala ang tanging Asian na nakapasok sa top 10 na kinabibilangan ng mga player mula sa Ukraine, Russia, United States, Germany, at  Belarus.

Ang susunod na Filipina player sa likod ni Eala ay si Jenalla Rose Prulla na nasa number 733.

Samantala, umangat naman ng tatlong notches ang kapatid na lalaki ni Eala na si Miko sa boys rankings. Nasa number 147 siya ngayon.

Comments are closed.