OPISYAL nang umupo si Noli Eala bilang bagong chairman ng Philippine Sports Commission (PSC) nitong Lunes.
Ipinasa ni dating PSC Chairman William ‘Butch’ Ramirez ang bandila ng ahensiya kay Eala matapos ang flag-raising ceremony sa PSC Main Grounds sa Rizal Memorial Sports Complex.
Si Eala, na itinalaga sa puwesto noong nakaraang linggo, ay magsisilbing ika-11 chairman ng government sports agency magmula nang itatag ito noong 1990.
“I wish to thank Chairman Butch [Ramirez] for coming over today. He is someone I always believed to display the leadership of a true public servant. Quiet yet firm and dedicated. He just told me that he was there to help us. And what he has done for this commission will forever be remembered. Maraming Salamat po, Chairman Butch,” sabi ni Eala.
Kabilang sa kagyat na mga plano ni Eala ang kumpletuhin ang PSC Board membership at tiyakin na naghahanda ang national athletes para sa mga lalahukang kumpetisyon sa 2023.
Nais din niyang ipagpatuloy ang grassroots programs ng PSC sa pakikipagtulungan sa iba’t ibang ahensiya, at bigyan ang national athletes ng mga benepisyo na karapat-dapat para sa kanila.
Dumalo sa seremonya si Commissioner Olivia ‘Bong’ Coo, mga miyembro ng Management Committee, PSC heads, employees, at staff.
CLYDE MARIANO