HINDI lalaro si Alex Eala sa US Open na nakatakdang magsimula ngayong buwan.
“Unfortunately, I won’t be in the US Open this year,” pahayag ni Eala sa CNN Philippines.
Sinabi ng 18-year-old tennis champion lilipad siya sa Asia upang sumabak sa Japan at sa 19th Asian Games na gaganapin sa susunod na buwan sa China.
“My schedule is set on other things. I’ll be heading to Asia very soon, a couple of tournaments in Japan and the Asian
Games in China. Those are going to be my priorities right now,” pahayag ni Eala.
Nakopo ni Eala ang US Open girls’ singles title noong 2022, upang maging unang Pilipino na nagwagi ng junior grand slam.
Ang 2023 US Open ay nakatakda sa Aug. 28 hanggang Sept. 10 sa New York, USA.