EALA SA Q’FINALS

UMABANTE si No. 6 seed Alex Eala sa quarterfinals sa W40 Palma del Rio sa Spain sa 6-3, 6-1 panalo kontra fellow teenager Talia Gibson ng Australia noong Huwebes.

Ang 18-year-old Filipino at 19-year-old Australian ay nagbakbakan sa loob ng isang oras at 10 minuto sa outdoor hard court ng Asociación de Tenistas Palmeños – Polideportivo.

Si Eala, ang World No. 261 sa WTA Rankings, ay nakakuha ng tatlong break points sa third game makaraang gumawa si Gibson ng double fault.

Kinuha ni Eala, sinibak si 16-year-old wildcard Lorena Solar Donoso ng Spain, 6-3, 6-2, sa opening round, ang first set, 6-3, sa kanyang ikalawang set point.

Makakaharap ni Eala sa quarterfinals si WTA No. 243 at third seed Valeria Savinykh ng Russia.

Si Savinykh ay isang nine-time ITF women’s singles winner at dating World No. 99.

Ang W40 Palma del Rio o Open Generali Ciudad de Palma del Río ay may $40,000 prize money.