EALA SA US OPEN JUNIORS FINALS

Alex Eala

LUMAPIT si Alex Eala sa kanyang maiden singles grand slam title.

Dinispatsa ng Filipino tennis prodigy si Victoria Mboko ng Canada sa straight sets, 6-1, 7-6 (5), sa kanilang semifinal match upang makausad sa kanyang kauna-unahang girls’ singles Grand Slam finals sa US Open Juniors sa New York City.

Magaan na kinuha ni Eala ang opening set victory, ngunit naharap sa hamon sa kaagahan ng second nang maghabol sa 1-3.

Nahila ang laro sa tiebreak kung saan ayaw bumitaw ng dalawang competitors.

Nakopo ng 17-year-old na si Eala ang panalo nang ma-double fault si Mboko sa match point.

Makakaharap ni Eala si Czech Republic’s Lucie Havlickova sa finals sa Linggo ng umaga (Philippine time).