KASUNOD ng kanyang kampanya sa Junior International Roehampton sa London, nakahanda na si Alex Eala na sumabak sa mas malaking torneo: ang Wimbledon.
Mamarkahan ng 16-year-old Filipina tennis sensation ang kanyang pinakaaabangang debut sa grass courts ng pinaka-matandang Grand Slam event ng tennis ngayong alas-6 ng gabi.
Una niyang makakasagupa si Solana Sierra ng Argentina sa Round of 64 ng Wimbledon Juniors Championship na gaganapin sa London, United Kingdom.
Dadalhin ni Eala, ang world no. 3 sa junior rankings, ang kanyang mga natutunan sa J1 tournament, na ginanap din sa London at nagsilbing kanyang pre-Wimbledon buildup.
Umabot siya sa quarterfinals round ng juniors singles tournament ng J1 ngunit kinapos kay Czech Republic’s Linda Fruhvirtova, 4-6, 1-6.
Sumabak din siya sa juniors doubles tournament katambal si Priska Nugroho ng Indonesia, na kanyang naka-partner upang kunin ang 2020 Australian Open Juniors doubles title.
Gayunman ay nabigo silang umabante sa quarterfinals nang yumuko sa tandem nina Czech Republic’ Barbora Palicova at Radka Zelnickova ng Slovakia, 4-6, 4-6.
Bago ang Wimbledon, umaasa si Eala na mahigitan ang kanyang semifinals finish sa 2020 French Open, na best Grand Slam juniors singles output niya sa kabila ng pagkatalo kay Elsa Jacquemont ng France.
717006 552927Soon after study some of the websites together with your internet site now, i truly as if your way of blogging. I bookmarked it to my bookmark website list and is going to be checking back soon. Pls appear at my website likewise and figure out what you believe. 293460