Eala sibak sa W40 Palma del Rio quarterfinals

Alex Eala

BIGO si sixth seed Alex Eala na makausad sa semifinals ng W40 Palma del Rio sa Spain makaraang yumuko kay No. 3 seed Valeria Savinykh ng Russia, 4-6, 2-6, noong Biyernes.

Hindi napanatili ni Eala ang kanyang mainit na simula sa first set. Sa kabila ng 4-1 lead, nahirapan siyang maipagpatuloy ang kanyang bentahe at sa huli ay nawalan ng momentum, na nagbigay-daan upang makontrol ni Savinykh ang laro at makuha ang isang puwesto sa semifinals.

Sa opening set ay nagpakita ng potensiyal ang 18-anyos na si Eala, ngunit nanaig ang mas eksperyensadong 32-year-old Savinykh na nagtala ng limang sunod na puntos upang kunin ang set.

Sandaling kinuha ni Eala ang kalamangan sa second set, 1-0.

Gayunman ay dinomina ni Savinykh, dating 99th-ranked player na kasalukuyang hawak ang 243rd spot sa Women’s Tennis Association rankings, ang kabuuan ng laban.

Savinykh capitalized on Eala’s struggle to hold her serve, breaking her five times throughout the match.