ISANG linggo bago ang kanyang Australian Open qualifying debut, yumuko si Alex Eala sa isang three-setter sa second round ng W60 Canberra qualifiers nitong Lunes.
Si Eala, ang 17-year-old WTA World No. 215, ay sinibak ni No. 7 seed Oksana Selekhmeteva ng Russia, 6-3, 4-6, 4-6, sa dalawang oras at 26 minutong bakbakan sa Court 6 ng Canberra Tennis Centre.
Si WTA World No. 189 Selekhmeteva, 19, ang katambal ni Eala na dominahin nila ang Roland Garros junior girls’ doubles final noong 2021.
Ang qualifying face-off ng dalawang lefties sa Australian capital ay ikatlong paghaharap nila sa ITF Women’s World Tennis Tour, kung saan umangat ang Russian sa kanilang head-tohead sa 3-0.
Sa first round ng qualifying ay dinispatsa ni Eala si No. 16 seed Marcela Zacarias ng Mexico, 6-3, 7-6(0).