SIBAK si top seed Alex Eala ng Pilipinas kay qualifier Jiaqi Wang ng China, 6-0, 4-6, 3-6, sa quarterfinals ng W25 Monastir tournament sa Tunisia nitong Biyernes.
Si Eala ay WTA World No. 262 habang ang 21-anyos na si Wang ay may ranking na No. 1131.
Ang kanilang quarterfinal ay ikalawang laro ni Eala sa araw sa Hotel Skanes Family Monastir, kasunod ng pagpapatuloy ng kanyang natigil na Round 2 match.
Kumarera ang twotime ITF women’s singles winner sa 5-0 lead via love service hold makaraang malusutan ang deuce at baliin ang serve sa second at fourth games.
Nakuha niya ang kanyang ikatlong ser- vice break upang kunin ang opening set, 6-0.
Nag-regroup si Wang sa second set, bumali para sa 1-0, at pinalobo ang kalamangan sa 3-0 sa isa pang service break.
Tumagal ang kanilang quarterfinal clash ng dalawang oras at 28 minuto, kung saan nagtala si Wang ng isang ace, tatlong double faults, at 6 sa 8 break points na naconvert.
Samantala, si Eala ay may 2 aces, 4 double faults, at 6 sa 13 break points na napanalunan.
Sinimulan ni Eala ang kanyang W25 Monastir campaign sa 6-1, 6-1 panalo kontra German qualifier at World No. 1091 Anja Wildgruber.
Sa second round ay dinispatsa niya si World No. 483 Nadine Keller ng Switzerland, 6-1, 6-4.
Si Eala, naabot ang career-high ranking na World No. 214 noong October, ay nagtatangka sa kanyang ikatlong professional singles championship matapos kunin ang titulo sa 2021 W15 Manacor sa Spain at 2022 W25 Chiang Rai sa Thailand.