EALA UMAKYAT SA NO. 185 SA WTA RANKING

SINIMULAN ni Alex Eala ang bagong taon na may career-high ranking sa Women’s Tennis Association (WTA).

Ang Filipina teen tennis sensation ay umakyat sa no. 185 sa unang araw ng 2024.

Ang 18-year-old netter ay dating nasa no. 190, na kanyang nakamit noong September 2023.

Subalit bago makopo ang kanyang  personal-best rank, si Eala ay nasibak agad sa opening round ng WTA Canberra International noong Linggo, Sunday, makaraang yumuko kay Celine Naef ng Switzerland, 4-6, 5-7.

Ang  Rafa Nadal Academy graduate ay nakatutok ngayon sa Australian Open sa susunod na linggo, kung saan lalaro siya sa qualifying round simula sa January 8.