UMAKYAT si Filipina tennis star Alex Eala sa no. 195 sa latest Women’s Tennis Association (WTA) rankings noong August 28.
Ang 18-year-old netter ay umangat ng 22 puwesto kasunod ng dalawang torneo sa Great Britain kung saan umabot siya sa finals.
Si Eala ay nagreyna sa W25 Roehampton makaraang gapiin si Australia’s Arina Rodionova, 6-2, 6-3, noong nakaraang August 13 upang kunin ang kanyang ika-4 na ITF title.
Pagkatapos ay nagmartsa siya sa championship round ng W25 Aldershot sa Great Britain, ngunit yumuko kay Destanee Aiava ng Australia, 3-6, 6-4, 1-6.
Ang patuloy na pag-angat ni Eala ay dumating bago niya katawanin ang Pilipinas sa Asian Games sa Setyembre sa China.