EALA UMUSAD SA SECOND ROUND NG W25 MANACOR

Alex Eala

MATIKAS na sinimulan ni Filipina tennis ace Alex Eala ang 2022 nang dispatsahin si Ella Hojnik ng Slovenia sa W25 Manacor tournament nitong Linggo sa Manacor, Spain.

Ginapi ni Eala si Hojnik, 6-1, 6-1, upang makausad sa second round ng torneo.

Makakasagupa ng 16-anyos na si Eala si Mia Chudejova ng Slovakia sa Lunes.

Nakataya ang $25,000 premyo sa torneo.

Huling naglaro si Eala sa W25 Milovice Indoor Open sa Czech Republic noong nakaraang November, kung saan maaga siyang napatalsik.

Noong January 2021 ay nakopo ni Eala ang kanyang unang professional title sa W15 Manacor tournament.