SA KAUNA-UNAHANG pagkakataon ay magiging panauhin si tennis prodigy Alex Eala sa session ng Philippine Sportswriters Association (PSA) Forum ngayon sa Amelie Hotel-Manila.
Tatalakayin ni Eala, kasalukuyang no. 13 sa world junior rankings, ang kanyang mga plano sa mga nalalabing buwan ng taon makaraang sumabak sa World Super Juniors Tennis Championships. Sasamahan siya ng kanyang amang si Mike Eala sa 10:00 a.m. session.
Makakasama niya ang wushu duo nina Agatha Wong at Daniel Parantac sa forum na itinataguyod ng San Miguel Corp., Braska Restaurant, Amelie Hotel, at ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (Pagcor).
Tatalakayin nina Wong at Parantac ang kampanya ng wushu para sa golds sa nalalapit na 30th Southeast Asian Games na gaganapin sa bansa sa susunod na buwan.
Hinihikayat ang PSA members na dumalo sa forum na naka-livestream via PSA Facebook page fb.com/PhilippineSportswritersAssociation at mapakikinggan sa delayed basis sa Radyo Pilipinas 2, 1-2 p.m. at 6:30 p.m.
Comments are closed.