Earl Patrick Forlales & Zahra Halabisaz Zanjani milyOnaryo sa Cubo housing

Jayzl Villafania Nebre

Ordinary couple lang sina Earl Patrick Forlales at Zahra Halabisaz Zanjani, pero sa kasimplehan ng kanilang buhay, naresolba nila ang housing crisis na kinakaharap ngayon ng bansa. Sina Earl at Zahra ang co-founders ng Cubo, kumpanyang nagde-design at gumagawa ng mga bahay-kubo sa loob lamang ng apat na oras. Ito ang pinakamabilis at at pinakamadaling solusyon sa problemang pabahay. Ang original design ng units ay inspired ng mga bahay-kubong ginagawa dati ng lolo at lola ni Forlales. Suportado ng Cubo ang ang community housing na may malalaking model.

Si Earl ang CEO ng Cubo modular. Ang kursong tinapos niya sa Ateneo de Manila University ay Chemistry and material science engineering, medyo malayo sa construction ng bahay, pero napapakinabangan din umano niya. Sa ngayon ay 23 years old pa lamang si Earl Patrick at isa na sa tatlong Filipino business innovators na tinaguriang lider sa mundo ng Social Entrepreneurs, Retail and ECommerce, Media, Marketing & Advertising ayon sa Forbes Asia.

Syempre, kasama niya sa tagumpay ang kanyang partner at co-founder na si Zahra Halabisaz Zanjani sa listahan ng Forbes Asia na kare-release lamang noong April 2, 2019.

Noong 2018, nanalo na ang dalawa sa Royal Institute of Chartered Surveyorspara sa kanilang mga designs, at malaki-laking pera din ang kanilang napanalunan na idinagdag nila sa kanilang puhunan. Layon nina Earl at Zahra na malutas ang shortage of accommodation sa Pilipinas gamit ang low-cost bamboo housing units.

Ang cubo house ay smart and sustainable home na posibleng tangkilikin ng lahat sa hinaharap. Ang pagpapagawa ito ay umaabot ng mula Php150,000 hanggang Php350,000 lamang. Kayang kaya ng karaniwang pamilya