Binigyang-diin ni Education Secretary Sonny Angara ang kahalagahan ng pamumuhunan at pagbibigay-prayoridad sa Early Childhood Care and Development (ECCD) sa katatapos na World Bank Philippines Economic Update Development Dialogue.
“Kailangan nating mag-invest nang higit pa sa mga unang taon ng ating mga anak upang matiyak na ang bawat batang Pilipinong ipinanganak ngayon ay may pagkakataong mangarap, matuto, umunlad, at makapag-ambag sa pag-unlad ng ating bansa,” ani Sec. Angara.
Binabanggit ang data ng United Nations Children’s Fund (UNICEF) na ulat noong Enero 2024, sinabi ni Angara na maraming batang Pilipino ang hindi naka-enrol sa early learning programs, nasa 78% ng mga paslit ay hindi pumapasok sa mga hakbangin sa maagang pag-aaral, habang 90% ay walang access sa mga programa sa early childhood education sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).
Sa pagtugon sa hamon, inatasan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” R. Marcos ang Kagawaran ng Edukasyon (DepEd), Kagawaran ng Kalusugan (DOH), at ang DSWD na pag-ugnayin ang mga pagsisikap na mabigyan ng access ang mga batang Pilipino upang makumpleto ang edukasyon, mabuting kalusugan, healthy environment.
“Early investments in human capital are hallmarks of a forward-looking society, we should not fail to nurture human capital from the start,” dagdag ni Angara.
Gayundin, ang Departamento ay nakikipagtulungan sa mga yunit ng lokal na pamahalaan upang matugunang epektibo at mahusay, ang malawak na sistema ng ECCD na nakasalalay sa kanilang mga balikat.
“Ang mga lokal na pamahalaan ay dapat magkaroon ng kapangyarihan, mga tauhan na hubugin ang buhay ng kanilang mga pinakabatang nasasakupan. Nakita natin ang mga visionary mayor na naging malikhain sa kanilang Special Education Fund (SEF). Inihahatid nila ang mga mapagkukunan sa nutrisyon ng mga bata, pagtatayo ng daycare, at kabuhayan sa mga magulang,” pagtatapos ni Angara.
Para sa Fiscal Year (FY) 2025, nakatanggap ang ECCD Council ng 12% na pagtaas sa badyet nito, na may humigit-kumulang Php 277 milyon na nakalaan para sa pagtatayo ng mas maraming National Child Development Centers.
Bilang karagdagan, ang ECCD curriculum ay muling inihahanay upang matiyak na ang mga batang Pilipino ay maayos na makapasok sa pormal na pag-aaral.
Elma Morales