EARLY VACATION SOLUSYON SA PAGBAGSAK NG TURISMO

Rep Edgar Mary Sarmiento-2

PINAGBABAKAS­YON nang maaga ni House Committee on Transportation Edgar Mary Sarmiento ang mga Filipino para matulungan ang bansa sa pagkalugi sa tourism sector.

Hiling ni Sarmiento sa publiko na magplano ng maagang summer vacation o outings sa mga tourism destination ng bansa upang mapalakas ang turismo sa kabila ng banta ng COVID-19.

Hinikayat ng kongresista ang local government units (LGUs) na huwag mag-panic at iwasan na ang pag-iisyu ng lockdown sa mga hotel, resorts at iba pang pasyalan.

Giit ng mambabatas, wala namang dahilan para magpatupad ng lockdown orders ang mga LGU dahil nananatili pa ring ligtas ang Filipinas sa epekto ng COVID-19.

Tiniyak din umano sa kanya ng mga stakeholder at transportation sector sa ginawang pagdinig kamakailan ng komite na naglatag ang mga ito ng safety measures para matiyak na lahat ng mga pasahero ay nasusuri kung nagtataglay ang mga ito ng sintomas ng virus.

Suportado rin ni Sarmiento ang hakbang ng gobyerno na palakasin at suportahan ang domestic tourism para makontra ang negatibong epekto ng COVID-19 sa ekonomiya ng bansa.                CONDE BATAC

Comments are closed.