Earth Run Para sa Kapayapaan, Charity, Pagkakaisa, Itinakda ng We Are One Youth Volunteers

Inaanyayahan ng We Are One (WAO) Youth Volunteers ang lahat na dumalo sa isang fun run na gaganapin sa City of Imus Grandstand and Track Oval sa Oktubre 29, 2023 sa ganap na ika-5 hanggang ika-8 ng umaga.

Ang fun run na may temang “Earth Run 2023: Peace Heritage” ay naglalayong makiisa sa global Earth Run Movement na naglalayong makapagtala ng kabuuang 40,120 kilometro — ang distanyang katumbas ng circumference ng mundo — makagawa ng isang payapa at inklusibong kapaligiran para sa lahat, at makalikom ng pondo para sa mga aktibidad ng grupo.

Ito ay nakatakdang magsimula sa ika-5:00 ng umaga kung saan magsasagawa muna ng warm-up at Zumba exercises. Susundan ito ng 5K run sa ganap na 6:00 ng umaga, kasunod nito ay ang 3K run sa ganap na 6:30 ng umaga, at ang 1K run sa ganap na 7:00 ng umaga.

Ang registration fee ay P200 para sa mga estudyante at P300 para sa hindi naman estudyante. Maaari itong ipadala sa finance officer ng WAO, Flori Orbita, sa kanyang Gcash number 09263550635.

Maaaring mag pre-register sa form na ito upang makatanggap ng isang unique QR code: https://forms.gle/WYaTEz2nJ6sBQdHh6

Bawat kalahok ay makakatanggap ng Earth Run 2023 T-shirt, race bib at e-certificate samantalang ang Top 3 Finishers naman sa bawat kategorya ay makatatanggap ng medal, top finisher shirt at winner certificates.

Magkakaroon ng programa kung saan magtatanghal ang Indayaw Dance Company at habang nagaganap ang fun run, may mga nakalaang palaro na may paprepmyo para sa mga manonood.

May nakalaang ‘peace wall’ kung saan ang mga mananakbo ay maaaring magdikit ng kanilang race bib na sinulatan ng kanilang mensahe ukol sa kapayaan pagkatapos ng kanilang pagtakbo.

Kabilang sa mga nagsagawa ng Earth Run ay ang mga bansang Japan, Malaysia, United Kingdom, France, US, Australia, at iba pa.

Ang malilikom na pondo ay gagamitin ng WAO sa iba’t ibang aktibidad nito gaya ng blood donation, tree planting, clean-up drive, disaster relief operation, adopt-a-school program, recycling at climate change awareness promotion.

Ang WAO ay isang pandaigdigang organisasyon na may 90,000 kasaping kabataan, isang inisyatiba ng Shincheonji (New Heaven New Earth) Church of Jesus The Temple of the Tabernacle of the Testimony na nakabase sa South Korea.

Ang WAO Youth Volunteers worldwide ay nakapagtala ng Guinness World Record bilang pinakamaraming taong nagrehistro online para sa donasyon ng dugo sa loob ng 24 oras na umabot sa 71,121 participants.

Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang https://www.facebook.com/WeAreOne1PH.