CAMP AGUINALDO – ISINISI ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) sa ilang participant kung bakit nabibigo ang layunin ng quarterly earthquake drill.
Sa isang panayam kay NDRRMC chief Usec. Ricardo Jalad, bagaman malaki ang tulong ng pagsasanay para mabuksan ang kamalayan ng publiko hinggil sa pagtama ng lindol, ang ilan ay hindi naman ito siniseryoso o kaya naman ay agad nagpa-panic kaya nakakalimot sa kanilang pinag-aralan sa pagsananay.
Hindi naman aniya masisisi ang publiko dahil ang pagtama ng lindol ay hindi nahuhulahan at bigla na lamang itong nagaganap kaya marami pa rin ang naging casualty.
Samantala, idinagdag pa ni Jalad na kinakailangang hindi lamang sa disaster preparedness o sa pagsasagawa ng drill ang kinakailangang pag-tuunan ng pansin ng pamahalaan.
Aniya, kailangan din umanong bigyang-pansin ng pamahaalan ang disaster risk management o ang pagbabawas sa epekto ng mga sakunang tatama sa bansa.
Isa umano sa mga posibleng gawin upang epektibong maipatupad ang disaster risk management ay ang pagtukoy sa mga lugar na delikado sa mga lindol upang masabihan na ang mga residente na huwag na silang magtayo ng kanilang mga bahay roon nang sa gayon ay maiwasan ang maraming casualty sa mga nasabing pangyayari.. GELO BAIÑO