NANAWAGAN ang Philippine Volcanology and Seismology (Phivolcs) sa publiko na seryosohin ang ginaganap na earthquake drill sa buong bansa
Kahapon, (Hunyo 20) sa idinaos na 2nd quarter National Simultaneous Earthquake Drill ay muling hinimok ng Office of Civil Defense at National Disaster Risk Reduction Management Council (NDRRMC) ang publiko na makiisa sa mga itinatakdang earthquake drill sa buong bansa.
Kaugnay sa nasabing paghahanda sa pagdating ng ‘The Big One’ o lindol na may 7.9 magnitude ay inabisuhan ng OCD ang mga makikilahok sa earthquake drill na kumuha ng larawan at video at i-upload ito gamit ang hashtag na #BidaAngHanda.
Maari umanong ibahagi ang mga larawan at video sa Facebook at Twitter.
Bago ang ginanap na earthquake drill ay nagpadala rin ng text message ang National Telecommunications Commission (NTC) na nagbibigay abiso sa publiko sa magaganap na earthquake drill.
Samantala, nilinaw din ng Phivolcs na totoo ang kinakatakutang ‘The Big One’ at hindi lang ito posibleng maganap sa Luzon.
Ayon kay Ma. Mylene Villegas, ang ‘The Big One’ ay posible ring mangyari sa ibang bahagi ng bansa.
Sa abiso ng Phivolcs, dahil sa walang paggalaw ang mga fault sa bansa ay posible umanong magkaroon ng malakas na pagyanig.
Dahil sa peligrong posibleng idulot ng malakas na lindol sa buhay ng daang libong mamamayan kaya nagsasagawa ng national simultaneous earthquake drill.
Sa Bayugan, Agusan del Sur ginanap ang ceremonial pressing of the button na naging hudyat ng drill dahil mayroon itong malaking fault na tina-tawag nilang Esperanza fault. VERLIN RUIZ
Comments are closed.